Walang direktang ebidensya na magtuturo kay Bantag sa pagpatay kay Lapid – NBI

Inamin ng National Bureau of Investigation (NBI) na wala talang direktang ebidensya na nag-uugnay kay suspended Bureau of Corrections (BuCor) chief Gerald Bantag sa pagpatay sa radio broadcaster na si Percy Lapid.

Pero ayon kay Atty. Eugene Javier ng NBI, na sa naturang test, ginawa ang desisyon batay sa lahat ng mga available information, kaya hindi parin nangangahulugan na walang isang direktang koneksyon si Bantag.

Maiintindihan din umano, na nakatutok sila sa lahat ng iba pang circumstances ng partikular na kaso, sa halip na isang factor.

Mababatid na si Bantag at BuCor Deputy Security Officer Ricardo Zulueta ay kabilang sa mga kasalukuyang nahaharap sa kasong murder kasunod sa pagpatay sa naturang broadcaster. //MPT

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *