Walang travel history at hindi close contact subalit nagpopositibo sa Covid-19, nahahawaan sa mga ospital – Contact Tracing Team

SORSOGON CITY- Inihayag ng mga contact tracers ng lalawigan ng Sorsogon na malaki ang posibilidad na sa mga ospital na lamang nakuha ang coronavirus ng maraming indibidwal na nairerehistro bilang mga active cases.

Sa eksklusibong panayam ng Brigada News FM sa team leader ng DILG Contract Tracers na si Francis Ariola, sinabi nito na base sa kanilang pag-aaral sa confinement period ng mga pasyente, posibleng mula  mismo sa mga kawani ng ospital, kasamahan sa mga ward o kaya naman matagal na nila itong dala na natuklasan lamang nang humihina na ang kanilang resistensya dala ng nasabing virus.

Ibig sabihinito umano, ay senyales ng community transmission dahil wala namang ibang dahilan ang kanilang pagkahawa gaya ng mga travel history at close contacts.

Bunsod nito, nanawagan ang opisyal sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards dahil anumang oras dahil maaaring mahawaan ang sinuman ng virus sa kahit saan lugar at sa lahat ng oras at pagkakataon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *