WFH setting sa BPO companies, dapat nang plantsahin – Poe

Posibleng mauwi sa exodus ng mga BPO companies ang nagpapatuloy na isyu kung itutuloy ba ang pag-alis sa ‘work-from-home’ arrangement sa mga empleyado nito.

Ito ang ibinabala ni Senate Commitee on Public Services chairperson Senadora Grace Poe sa gitna ng ‘tug-of-war’ sa pagitan ng mga nagta-trabaho sa opisina at remotely.

Giit ni Poe, subok na ang hybrid setup sa pagpapataas sa productivity ng mga empleyado kung saan, malaki rin ang matitipid ng mga ito.

Paliwanag nito, aabot sa P56,000 ang ginagasta ng isang average worker sa Mega Manila para sa communting expenses nito.

Sumasabak din daw ito sa 188 na oras sa kalbaryo ng trapiko.

Dapat aniya ay mag-‘think outside the cubicle’ na ang Gobyerno at ikunsidera ang mga makabagong pamamaraan sa pagta-trabaho para sa inklusibong economic growth.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *