“Whole of Government Approach” napatunayang epektibo sa paglaban sa insurgency ayon sa high ranking official ng PNP

CAMARINES NORTE- Inihayag ng isang high ranking official ng Philippine National Police na hindi dahas kundi ang tinatawag na “whole of government approach” ang napatunayang epektibong tugon sa paglaban sa insurhensiya.

Ayon kay PBGen. Rudolph Dimas, Acting Director ng PNP Special Action Force (SAF) ang pagtugon sa mga pangunahing serbisyong kinakailangan lalo na ng mga nasa malalayong lugar tulad ng edukasyon, kalsada, kabuhayan at iba pang basic services ang pinaka epektibong paraan upang maiparamdam sa mga tao na hindi sila pinababayaan ng gobyerno.

Aminado si Dimas na minsang nagsilbing PNP Provincial Director sa Camarines Norte sa loob ng dalawang taon at napapalitan pa lang na Regional Director ng PNP Bicol  kamakailan, na sa loob ng mahabang panahon, “giyera” lang ang solusyon ng gobyerno sa pagtugon sa armed conflict.

Inihalimbawa ni Dimas ang Barangay Dumagmang sa bayan ng Labo na kung dati ay hindi halos maabot ng mga programa ng gobyerno, ngayon ay nabibigyan na ng pansin.

“Ang alam  lang nating solusyon sa Communist Terrorist Group , armed conflict, is through military or police solution di ba, yun lang ang alam ng gobyerno nun eh, di ba, giyera dito, giyera dun, giyerahin natin yun, I’m sure the Philippine Army will agree  with me and  maybe everybody else, yun ang alam natin noon eh, more than 50 years,” ani Dimas.

Kaugnay nito ay pinuri ni Dimas ang nakaraang Duterte administration dahil sa Executive Order No 70 o ang “whole of government” approach kung saan ang mga pulis at sundalo ay hindi na lang pang giyera kundi bumaba sa komunidad at inalam ang pangangailangan ng mga tao.

Umapela rin ito sa mga katuwang na ahensiya ng gobyerno na ipagpatuloy ang nasimulang gawain.

Sinabi ito ng opisyal sa isinagawang 91SAC Revitalized- Pulis Sa Barangay (R-PSB) 2nd Summing Up na ginanap nitong Miyerkules, March 15, sa Camarines Norte Provincial Hospital (CNPH).   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *