World Bank magpapautang ng $1-B sa India para suportahan ang health sector ng bansa

Magpapautang ng $1-B ang World Bank sa India upang suportahan ang sektor ng kalusugan ng bansa.

Ang kasunduan na nilagdaan sa pagitan ng gobyerno ng India at ng World Bank ay binubuo ng dalawang complementary $500-million loans na ang bawat isa ay susuporta sa dalawang proyekto , ang Public Health Systems for Pandemic Preparedness Program (PHSPPP) at ang Enhanced Health Services Delivery Program (EHSDP).

Ayon sa WB, susuportahan ng $500-million PHSPPP ang pagsisikap ng India na ihanda ang kanilang surveillance system upang matiyak ang mabilis na pagtugon at maiwasan ang pagkalat ng mga nakakahawang sakit.

Ang isa pang $500-milyong pautang para sa EHSDP ay susuporta naman sa mga pagsisikap ng India na unahin ang paghahatid ng serbisyong pangkalusugan sa pitong estado na kinabibilangan ng Andhra Pradesh, Kerala, Meghalaya, Odisha, Punjab, Tamil Nadu at Uttar Pradesh.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *