π‚πŽππ’π“π‘π”π‚π“πˆπŽπ π–πŽπ‘πŠπ„π‘ 𝐒𝐀 𝐀𝐁𝐑𝐀, ππˆππ€π†ππ€ππ€π‘πˆπ‹-ππ€π“π€π˜

Patay ang isang construction worker matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Sitio Maliag, Abualan, San Juan, Abra.

Sa nakuhang impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan, ang biktima ay kinilalang si Fred Siagan, 46-anyos at residente sa nabanggit na lugar.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya na galing sa trabaho ang biktima at pauwi na ito sakay ang kaniyang motorsiklo nang siya’y pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga suspek gamit ang caliber .45 pistol.

Nakita na lamang umano ng napadaang guro ang biktima na nakahandusay na sa daan dahilan upang agad itong tumawag ng rescue.

Inakala umano ng guro na naaksidente lamang ang biktima ngunit nang dumating ang mga pulis ay dito na napag-alamang nagtamo ng tama ng bala ng baril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng kaniyang katawan.

Naidala pa sa pagamutan si Siagan upang lapatan ng lunas ngunit idineklara itong dead on arrival ng kaniyang attending physician.

Hustisya naman ang hiling ng pamilya ng biktima kung saan naulila nito ang kaniyang sampung anak.

Salaysay ng asawa ng biktima na wala umano itong alam na nakaaway ni Siagan at sa katunayan ay palakaibigan ito sa kanilang barangay.

Nanawagan naman ang PNP sa sinumang mayroong impormasyon hinggil sa naturang insidente na makipag-ugnayan sa kanila upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *