₱680K halaga ng shabu, nasamsam sa buy-bust operation sa Batangas city

Nasamsam ng mga otoridad ang nasa ₱680,000 na halaga ng shabu mula sa umano’y tulak ng iligal na droga sa ikinasang buy-bust operation sa Brgy. San Isidro, Batangas City.

Sa report mula kay Batangas PPO, Provincial Director, Police Colonel Pedro Soliba ay kinilala lamang ang suspek na si alyas Jecoy, 41-anyos, may-asawa at residente ng San Pascual, Batangas.

Ayon sa imbestigasyon, naaresto ang suspek sa ikinasang operasyon ng pinagsanib na pwersa ng Office of the Provincial Director-Drug Enforcement Unit (OPD-DEU) at Batangas City Police Station dakong 4:15 ng madaling araw nitong Sabado, Abril 15, 2023.

Narekober mula sa suspek ang isang pakete na naglalaman ng pinaniniwalaang shabu na nasa 100 gramo ang timbang na nagkakahalaga ng ₱680,000.00.

Maliban dito ang nakuha rin mula kay Jecoy ang gamit na cellphone, marked money na ginamit ng pulis na nagpanggap na buyer at itim na sasakyan na ginamit nito.

Pansamantalang nasa kustodiya ng Batangas PPO ang suspek habang inihahanda na ang kasong isasampa laban sa kanya na paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *