π—œ-𝗦𝗛𝗔π—₯π—˜ π—˜π—£π—œπ—¦π—’π——π—˜ π—‘π—š π—‘π—”π—§π—œπ—’π—‘π—”π—Ÿ π—₯π—˜π—¦π—˜π—”π—₯𝗖𝗛 π—–π—’π—¨π—‘π—–π—œπ—Ÿ 𝗒𝗙 π—§π—›π—˜ π—£π—›π—œπ—Ÿπ—œπ—£π—£π—œπ—‘π—˜π—¦, π—œπ—¦π—œπ—‘π—”π—šπ—”π—ͺ𝗔 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—¨-π—˜

Isinagawa ang ikalawang episode ng iShare: Stories of Inspiration and Creative Research ng National Research Council of the Philippines sa amphitheater ng Isabela State University – Echague ngayong araw, October 10,2023.

Kabilang sa mga dumalo sa naturang episode ay sina Dr. Lucio Calimag, ang Provincial Director ng DOST-Isabela, at Dr. Jose P. Gallena, Jr. na parehong nagbahagi ng kanilang pambungad na mensahe.

Bukod dito,  ibinahagi nina Dr. Pompe Sta. Cruz, at Dr. Roel Suralta ang kwento ng kanilang buhay na sumesentro sa pagsulong sa siyensiya at teknolohiya.

Kasama naman sa mga lumahok sa episode ang ilang mga high school at college students mula sa Lalawigan ng Isabela.

Sa naging panayam ng Brigada News FM Cauayan kay Dr. Sta. Cruz, sinabi nito na naging matagumpay ang episode na ito sapagkat naipakita sa mga mag-aaral na may future sa science at technology.

Ang ikatlong episode ng iShare program Season 3 ay magaganap sa mga susunod na buwan sa Mindanao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *