𝗟𝗮𝗹𝗮𝗸𝗶 𝘀𝗮 𝗕𝗼𝗵𝗼𝗹, 𝗻𝗮𝗸𝗮𝗽𝗮𝘁𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗶𝘀𝗮𝗻𝗴 𝗮𝗵𝗮𝘀 𝘀𝗮 𝗽𝗮𝗺𝗮𝗺𝗮𝗴𝗶𝘁𝗮𝗻 𝗹𝗮𝗺𝗮𝗻𝗴 𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮𝗻𝗴 𝗸𝗮𝗴𝗮𝘁

Kalimitan, ang mga nangangagat ay ang mga hayop, gaya na lamang ng mga aso at pusa na siyang laging dahilan kung bakit mayroong mga taong nagpapaturok ng anti-rabies na wala sa oras.

Ang mas nakakatakot pa rito eh kung matuklaw ka ng isang ahas lalo na ‘yung mga tipong mga makamandag.

Ngunit, may nalaman ka na ba, na ang tao ang kumagat sa isang ahas?

Ganiyan kasi mismo ang nangyari sa Bohol na kinagat ng isang lalaki sa leeg at namatay.

Ito’y matapos na manlaban umano ang lalaki nang bigla siyang atakehin ng isang reticulated python kung saan natuklaw siya sa kaniyang kamay at braso at pinuluputan pa siya.

Hindi naman nagpatalo ang lalaki kaya nakipagbuno siya sa ahas at kinagat niya nga ito na siya namang naging dahilan ng pagkamatay nito kalaunan.

Dahil sa insidenteng ito, umaani ito ngayon ng iba’t ibang reaksiyon mula sa mga netizen na talaga namang maituturing na kakaibang pangyayari.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *