๐Ÿฎ ๐—˜๐—ฆ๐—ง๐—”๐—•๐—Ÿ๐—œ๐—ฆ๐—›๐—œ๐— ๐—˜๐—ก๐—ง๐—ข ๐—ก๐—” ๐—š๐—จ๐— ๐—”๐—š๐—”๐—ช๐—” ๐—ก๐—š ๐—ฅ๐—˜๐—”๐——๐—ฌ-๐—ง๐—ข-๐——๐—ฅ๐—œ๐—ก๐—ž ๐—๐—จ๐—œ๐—–๐—˜ ๐—ฆ๐—” ๐—–๐—”๐—จ๐—”๐—ฌ๐—”๐—ก ๐—–๐—œ๐—ง๐—ฌ, ๐—œ๐—ฃ๐—œ๐—ก๐—”๐—ฆ๐—”๐—ฅ๐—”

Ipinasara ng Business Permit and Licensing Office o BPLO ang dalawang establishimento sa Lunsod ng Cauayan na gumagawa ng ready-to-drink juice.

Sa nakalap na impormasyon ng 92.9 Brigada News FM Cauayan sa BPLO, wala umanong permit ang naturang mga establishimento at hindi maayos ang proseso na kanilang mga ginagawang produkto.

Kasama ng BPLO ang Food and Drug Administration sa isinagawang inspekyon sa nasabing establishimento kung saan aabot sa 200 boxes ng juice ang nakumpiska.

Aminado naman umano ang may-ari sa kawalan nila ng permit kayaโ€™t hindi ito umalma sa isinagawang inspekyon at pagkumpiska ng kanilang mga produkto.

Bukod dito, naipasara na rin ng FDA sa kalakhang Maynila ang pinanggalingan ng raw materials sa paggawa ng juice.

Batay sa inspeksyon ng BPLO at FDA, direktang sa gripo umano kinukuha ang tubig na gingamanit sa paggawa ng juice kung saan hindi ito maganda sa kalusugan ng mga kumokonsumo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *