Bamboo Sustainable livelihood industry, isa sa tutukang maipakilala sa magaganap na Bicol Cooperative Congress 2023

NAGA CITY – Pangungunahan ng Lokal na Pamahalaan ng Naga, ang magaganap na Bicol Cooperative Congress 2023 sa darating na Oktubre 20 hanggang 21.

Ayon kay John Paul Buendia, Acting City Cooperative Development Officer, malaking bagay na mapili ang LGU at nagpapakita na kayang-kayang makipagsabayan lalo na’t ito rin ang nais na mangyari na mas maging convergent pa ang lungsod.

Inaasahan ang 500 o higit pang participants na makikiisa mula sa iba-ibang probinsya mula sa iba-iba ring kooperatiba.

Isa sa mga tututukang tatalakayin ang Bamboo Sustainable Livelihood na upang mas makilala pa ng mga kooperatiba lalo na’t napapanahon ang kawayan ngayon , maging mga National Agencies tulad ng Department of Agriculture, Department of Trade and Industry, Department of Environment and Natural Resources ay halos papunta na rin sa Bamboo Sustainable Livelihood.

Malaking tulong din kasi ang kawayan sa panahon ng mga kalamidad lalo na’t madalas madaanan ng mga bagyo ang lungsod maging rehiyong Bicol.  Sa Ocampo, Camarines Sur mayroon nang bamboo industry.

Dagdag pa ng opisyal na ang gaganaping Bicol Cooperative Congress 2023 ay ang pagkakataon na marinig ang bawat problema, hinanaing o kahilingan ng bawat kooperatiba hindi lang ng lungsod maging sa buong rehiyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *