Mga nag okupa sa mga kalsadang pag-aari ng gobyerno sa Naga City muling kinausap ng City Government na lisanin na ang lugar para sa patuloy na pagpatupad ng road clearing operation

NAGA CITY – Tuloy ang pakikipag-usap ng City Government ng Naga sa mga informal settlers o individual na inokupa ang kalsadang pag-aari ng gobyerno na lisanin na ang lugar para sa pagpapatuloy ng road clearing operation.

Hanggang ngayon may mga bahay at iba pang istraktura ang nakatayo sa tabi ng kalsada na malaking hadlang sa ginagawang patrabaho ng Department of Public Works and Highways o DPWH.

Kabilang sa mga residenteng hinarap kahapon nina City Mayor Nelson Legacion ay ang mga taga Barangay Balatas.

Sa presensiya ni Punong Barangay Allan Pedro San Juan, ipinaliwanag ng alkalde ang proyekto at kung ano ang bentahe nito sakaling maipatupad na sa kanilang lugar na makikitid o makikipot ang mga kalsada.

Dumalo sa naturang pag-uusap ay iyong mga may bahay na sa kalsada o kaya iyong may naitayong istraktura tulad ng tindahan at iba pang naka okupa sa lugar na kailangan ng alisin. Sinabi ni San Juan, malawak pa ang magiging prohekto sa lugar niya, dahil sa malaki ang kanyang barangay na nasasakupan na kung saan inaasahan niyang magbo boluntaryo na ang mga itong alisin ang mga illegal structures

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *