10 pang lungsod, idinagdag sa vaccine priority areas ng govt

Tinukoy ng gobyerno ang mas marami pang lugar o ang tinaguriang Plus 10, na ipaprayuridad sa COVID-19 vaccine rollout, kasama sa NCR+8 o ang Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna, Rizal, Batangas, Pampanga, Metro Cebu, at Metro Davao.

Ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque, ang mga lugar nasakop na Plus 10 ay ang Bacolod, Iloilo City, Cagayan de Oro, Baguio, Zamboanga, Dumaguete, Tuguegarao, General Santos, Naga, at Legaspi.

Dagdag ni Roque, ang naging basehan ay ang tumataas nilang kaso, pagiging highly urbanized at dense environment, at kontribusyon sa regional o national economy.

Hindi pa naman masabi ng kalihim kung ilan ang magiging alokasyon ng bakuna para sa Plus 10, pero ang naturang mga areas umano ay subject sa mas maraming suplay. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *