10,019 new COVID-19 cases; Active tally, higit 115K pa

Nagtala ang Pilipinas ng 10,019 na mga bagong kaso ng COVID-19, dahilan para sumampa ang kabuoang active infections sa 115,328.

Dahil naman sa mga bagong kaso, sinabi ng Department of Health na ang kabuoang COVID-19 case count ay nasa 2,632,881 na.

Mula sa bilang ng active cases, 77.1% dito ang mild, 13.6% ang asymptomatic, 2.7% ang severe, at 1.2% ang nasa kritikal na kondisyon.

Samantala, ang total recoveries ay tumaas sa 2,478,616, matapos gumaling ang 7,425 pang pasyente mula sa viral disease, habang umakyat rin ang death toll sa 38,937, matapos maitala ang 109 na mga bagong fatalities.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *