11 anyos na bata, nakaligtas sa pagkalunod sa Cabuyao City

Nakaligtas ang isang 11 anyos na bata matapos itong maisalba sa pagkalunod ng isang pulis sa lawa na malapit sa Cabuyao City Fish Port, Brgy. Marinig, Cabuyao City.

Kinilala ang biktima na si John Lester Amaro, 11 anyos at residente ng Brgy Marinig ng nasabing bayan.

Ayon sa imbestigasyon, alas-5:30 ng hapon ng Hunyo 23, 2022 ng mapansin ng mga tauhan ng Cabuyao MPP ang kaguluhan na nagaganap sa lawa na malapit sa nasabing lugar.

Lumapit ang mga ito at nadiskubre na isang bata ang nalulunod.

Kaagad na rumesponde si PSMS Cristopher Sibugan kasama si Pat Romy Paltingca para magsagawa ng agarang rescue operation.

Matagumpay na narecover ang bata at nabigyan kaagad ng first aid (CPR) para mai-revive ang biktima.

Matapos ito ay dinala na ang nasabing bata sa pinaka-malapit na ospital para sa karampatang medikasyon.

Sa ngayon ay ligtas na at nasa maayos na kundisyon na ang bata.

Leave a Reply

Your email address will not be published.