11 barangay ng City of Ilagan, idineklarang drug-cleared

Panibagong 11 na mga barangay sa City of Ilagan ang idineklarang drug-cleared ng Philippine Drug Enforcement Agency Region 2.

Ang mga ito ay ang barangay Cabisera 3, Aggasian, Centro San Antonio, Cabisera 2, Bangag, Cabanungan 1st, Bigao, Arusip, Batong labang, Cabisera 14-16 at San Felipe.

Sa panayam ng 92.9 Brigada News FM Cauaya kay PLtCol. Virgilio Vi-Con Abellera Jr., ang Chief of Police ng PNP City of Ilagan, ito ay matapos sumailalim ang mga naturang mga barangay sa masusing assessment at validation ng PDEA.

Aniya, naabot ng mga ito mga kinakailangang requirements para maideklarang drug-cleared ang kanilang nasasakupan.

Ayon kay PLtCol. Abellera, sa ngayon ay mayroong 41 drug free barangays at 31 drug-cleared barangays ang syudad mula sa kabuoang 91.

Ang natitirang 11 barangays naman mula sa 19 barangays na hindi pa naidedeklarang drug-cleared ay naghihintay na lamang na maisalang sa assessment ng PDEA Region 2 habang ang 8 iba pa ay inaayos na ang kanilang mga dokumento.

Aniya, sa ngayon ay masasabing kakaunti na lamang ang kanilang mga namomonitor na illegal drug activities sa lunsod.

Batay sa kanilang imbestigasyon at pakikipag-ugnayan sa mga nahuhuling drug personality ay galing umano sa labas ng syudad ang mga illegal drugs.

Kaugnay nito ay patuloy nilang pinapaigting ang kampaniya kontra iligal na droga upang makamit ang pagiging drug cleared City.

Hinikayat din ni PLtCol. Abellera ang publiko na huwag mag-atubiling magsumbong sa kapulisan kung may mga namomonitor na illegal drug activities upang masawata ang ganitong mga gawain.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *