11 LGU sa So.Cot, maglalaban sa Race to 11 Season 2

KORONADAL CITY- MAGSISIMULA N sa November 11 ang Race to 11 Season 2 sa lalawigan ng South Cotabato, na bahagi ng pagdiriwang ng Helobung Festival sa bayan ng Lake Sebu.

Ito ay lalahukan ng 11 teams mula sa mga local government units.

Ang naturang karera ay may layuning maisulong ang adventure sports, eco-tourism sites at cultural experience, at ma-schowcase ang 10 mga munisipyo at isang lungsod.

Ang kompetisyon ay magsisimula sa bayan ng Polomolok at magtatapos sa Barangay Poblacion ng Lake Sebu kung saan maglalaban-laban ang mga kalahok sa 11 mga challenges.

Ang mananalo ay makakatanggap ng P 15,000; P 10,000 sa second place; P 8,000 sa 3rd place; at P 5,000 naman ang consolation prize.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *