11th Tree Growing Festival, ipinagdiwang sa Koronadal

Koronadal City – SIMPLE ngunit makabuluhan, ganito ipinagdiwang ng mga Koronadaleños ang Tree Growing Festival sa Koronadal na nasa ika-11 taon na mula noong ito ay isina-ordinansa sa inisyatibo ni dating konsehal at ngayon Board Member Ma. Ester Marin Catorce.

Walang programa at pagtitipon na isinagawa ngunit pinangunahan ni City Mayor Eliordo Ogena ang pagtatanim ng Foxtail sa kahabaan ng Alunan Avenue bilang parte ng Urban Greening at Roadside Development na siya namang sentro ng pagdiriwang ngayong taon.

Ipinahayag naman ni City Environment and Natural Resources Officer Augustus Bretaña na nasa 5-libong mga seedlings ang itinanim sa iba’t-ibang parte ng lungsod lalu na sa mga upland at riparian zones na pinangunahan naman ng mga barangay at SK officials.

Ang nasabing aktibidad ay may pondong 1.2 million pesos ngayong taon.

Iginiit naman ni Ogena na pursigido itong pagandahin, linisin, at mas maging maliwanag pa ang lungsod upang mahikayat pa ang mga negosyanteng mamuhunan sa lungsod at maging tourist spot ito na balang araw ay dadagsain ng ibang LGU upang bisitahin.
Nais ng alklade na patunayan na kahit sa maikling panahon ay napalinis, napaganda, at napailawan nito ang buong lungsod na hindi gumagastos ng malaki.

Photo Credit to PRO-12

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *