12 na BIFF mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha sumuko sa Pamahalaan

LABING DALAWANG myembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters o BIFF ang panibagong sumuko sa Pamahalaan mula sa bayan ng Shariff Saydona Mustapha, Maguindanao.

Sinabi sa Brigada News FM Cotabato ni 1st Mechanized Infantry (Maaasahan) Brigade Commander, Colonel Pedro C Balisi Jr na pinamumunuan ng isang Kumander Kenai ng BIFF-Karialan faction ang pagsuko ng mga ito.

Bitbit nila sa kanilang pagsuko ang kani-kanilang mga armas na kinabibilangan ng M16, caliber 30 barret, dalawang IED at maraming iba pa.

Nag-ooperate ang grupo ni Kumander Kenai sa Barangay Pusaw ng bayan ng Shariff Saydona Mustapha na naging sentro noon ng kaguluhan sa mga nakalipas na panahon.

Pinuri naman ni Col. Balisi ang lokal na Pamahalaan ng bayan sa pangunguna ni Mayor Datu Sajid Islam Ampatuan, Vice Mayor Bai Zandria S. Ampatuan at Acting Vice Mayor Datu Andrei Sinsuat Ampatuan dahil sa tulong na ipinaabot ng mga ito sa dating rebelde.

Inaasahang magiging tahimik na ang nasabing barangay kasabay ng paghikayat ng opisyal sa ilan pang mga lawless group na samantalahin ang mga magagandang programa ng Pamahalaan na laan para sa kanila.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *