Babae sa Slovakia tinanghal na ‘real-life rapunzel’ dahil sa napakahabang hair

Literal na ‘haba ng hair mo girl’!

Ito ang peg ng isang babae sa Slovakia na tinaguriang real-life Rapunzel dahil sa napakahabang buhok nito.

Ito ay ang Ukrainian na si Aliia Nasyrova ang nagtala ng bagong world record para sa titulong “Longest Hair on a Living Person (female)” na umabot lang naman sa habang 8 feet at 5.3 inches ang buhok.

Si Nasyrova ay nagtatrabaho bilang graphic artist at dahil sa kamangha-manghang haba ng kanyang buhok ay kinukuha ring hair model.

Pagbabahagi pa nito, isang beses lang umano sa isang linggo kung gumamit sya ng shampoo at conditioner dahil oras umano ang bibilangin bago sya matapos sa buong proseso hanggang sa pagbabanlaw bukod pa sa struggle saa pagpapatuyo ng kanyang buhok na inaabot ng 24 oras lalo na kapag winter season.

Umiiwas din Nasyrova sa paggamit ng hair dryer at iba pang chemical, at trim lang umano para tanggalin ang mga split ends.

Giit pa nito, matapos matanggap ang pagkilala ng Guinness, nais niyang magsilbing inspirasyon sa iba na tanggapin at yakapin ang kanilang natural na ganda. ### DPM

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *