Pagbaril sa isang IMEG cop ng kapwa pulis – fake news

FAKE NEWS, ayon sa PNP Integrity Monitoring and Enforcement Group ang mensahe at balitang kumakalat kaugnay ng isang miyembro nitong nabaril at napatay ng kapwa pulis.

Nakasaad sa impormasyon na nangyari ang insidente matapos tangkaing kumpiskahin ng IMEG personnel ang cellphone ng kanyang kasamahan habang nagpapatrolya.

Nilinaw ni IMEG Dircetor BGen. Warren de Leon, na walang katotohanan ang kumakalat sa social media tungkol sa ganitong insidente.

Dahil dito, hinikayat niya ang publiko na maging mapanuri at huwag basta-basta maniniwala sa nakikita at nababalitaan.

Maaari rin aniyang i-report sa kanilang tanggapan ang mga ganitong kumakalat na impormasyon upang agad na mabigyan linaw at maaksyunan.

Sinabi ng opisyal na sinuman mapatunayan na nagpapakalat ng impormasyon na nakakasira sa imahe ng PNP-IMEG ay maaring maharap sa kasong administratibo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *