13 LGUs sa Bicol, wala pang fire truck at fire starion – BFP Bicol

Kinumpirma ng Bureau of Fire Protection (BFP) Bicol na may 13 pang mga Local Government Units (LGUs) sa Bicol region ang wala pang fire truck at fire station.

Ito ang naging pahayag ni BFB Bicol Regional Director Ricardo Perdigon sa isinagawang blessing and turn-over ceremony ng bagong fire truck sa bayan ng Malilipot, Albay.

Ayon kay Perdigon, ang fire truck na ibinigay ng DILG at sa tulong ni Cong. Raul Jil Bongalon ng Ako Bicol Partylist ay isang malaking tulong sa bayan dahil sa mapapabilis na nila ang pag-aapula ng sunog at makakapagbigay din sila ng tulong sa mga nasusunugan sa karatig-bayan.

Hindi lamang fire truck ang kanilang ibibigay sa mga munisipyo, kundi maging ang mga karatig na isla tulad ng Masbate, Catanduanes, Rapu Rapu-Rapu at iba pa ay planu ring lagyan ng fire boat, fire station o fire truck.

Binigyan-diin din ng opisyal, inaasahang sa taong 2034 ay mararamdaman at mararanasan na rin ng Pilipinas ang modernization ng mga kagamitan sa fire truck.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *