14 jail personnel sa SCRDC, pinarangalan

KORONADAL CITY- KINILALA at pinarangalan ng provincial government ng South Cotabato ang 14 na mga jail personnel ng South Cotabato Rehabilitation and Detention Center o SCRDC.

Ito ay sa ilalim ng Program on Awards and Incentives for Service Excellence o PRAISE ng Provincial Human Resource Management Office o PHRMO.

Ang naturang mga jail personnel ay nakatanggap ng certificate of recognition dahil sa pagkakumpiska sa 5 grams ng ilegal na droga noong August 6, 2022.

Napag-alaman na nadiskubre ng mga jail guards ang illegal drugs sa isinagawang routine inspection sa mga ipinapadalang pagkain at mga basic needs ng mga bisita at pamilya ng mga inmates.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *