Mga may multiple sexual partners, sinalinan ng dugo, dapat magpa-HIV test

KORONADAL CITY- DALAMPUNG mga barangay na sa lalawigan ng South Cotabato ang naserbisyuhan ng mobile testing ng Integrated Provincial Health Office o IPHO kaugnay sa Sexually Transmitted Infection o STI at Human Immunodeficiency Virus (HIV) ngayong taon.

Inihayag ni Provincial Health Officer Dr. Rogelio Aturdido Jr na sa mahigit 1000 na boluntraryong nagpasailalim sa HIV testing, 34 sa mga ito ang nag-reactive.

Kaugnay nito, hinihikayat ni Aturdido ang mga may multiple sexual partners at sumailalim sa blood transfusion o sinalinan ng dugo na alamin ang kanilang HIV status at boluntaryong magpa-test sa HIV.

Ayon sa opisyal na hindi lamang sa pakikipagtalik nakukuha ang naturang virus, ngunit maging sa pagsalin ng dugo at sa paggamit ng hiringgilya ng ibang tao.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *