14 patay, 7 missing dahil sa Jolina —NDRRMC

Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NCRRMC) na pumalo na sa 14 katao ang napaulat na nasawi, habang pito pa ang nawawala, matapos ang paghagupit ng Bagyong Jolina.

Ayon sa NDRRMC, ang isang fatality at apat na missing persons ay nakumpirma na habang ang ulat kaugnay sa 13 fatalities at tatlong missing persons ay beneberipika pa.

Sinabi rin ng NDRRMC na may 20 katao na napaulat na sugatan.

Maliban dito, kinukumpirma pa ng ahensya ang tungkol at tatlong nasawi, tatlong nawawala at apat na sugatan sa Naro, Masbate.

Dagdag ng NDRRMC, may isang nasawi rin sa Buenavista, Marinduque, habang sa Culaba, Biliran, may tatlong mangingisda pa na nawawala.

Sa Catbalogan, Samar naman narescue na ang lima mula sa 12 mangingisda na napaulat na nawawala. // MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *