149 na mga bagong kaso ng COVID-19 sa rehiyong Bicol, naitala

BNFM Bicol—MULI na namang sumipa ang kaso ng COVID-19 sa rehiyong Bicol matapos madagdagan ng isandaan at apat na put siyam na mga bagong kaso.

Sa monitoring ng Department of Health o DOH Bicol simula January 1 to January 6, 2024 makikita na ang lalawigan ng Albay na may limampu’t lima, Camarines Norte na may anim, Camarines Sur na may anim na put tatlo, Catanduanes na nakarehistro ng sampu, Masbate apat, at Sorsogon na may labing-isa.

Sa ngayon, nasa 70, 112 ang total na kaso ng mga Bikolanong tinamaan ng naturang sakit, nasa 93.71% o 65,699 dito ay mga nakarekober, 2,757 naman ang namatay at nasa 1,656 ang active cases. ### KENNETH BERMIL

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *