15 indibidwal, sugatan sa kambal na pagsabog sa Jerusalem

Dalawang pagsabog sa bus stops sa labas ng Jerusalem ang naitala ng mga awtoridad na tila isang pag-atake ng mga militanteng Palestinian.

Dahil sa insidente, labing lima katao ang nasugatan ayon sa emergency service ng Israel.

Ang initial blast sa explosive device ay itinanim sa isang istasyon ng bus malapit sa exit ng lungsod, habang ang isa pa ay  tumama sa isang  bus stop malapit sa  urban settlement sa silangan ng lungsod.

Wala naman nai-ulat na nasawi ngunit sinabi ng mga emergency service na 12 katao ang dinala sa ospital mula sa unang pagsabog, hindi bababa sa dalawa ang may malubhang pinsala at hindi bababa sa tatlong tao ang nasugatan sa ikalawang pagsabog.

Ang mga pagsabog na naitala ay isa umanong hallmark ng Palestinian revolt noong 2000 hanggang 2005.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *