15 pasyente tatanggapin ng JLGMH para sa telekonsulta kada araw

Tatanggap ng hanggang labing-limang pasyente lamang para sa Telekonsulta ang James L. Gordon Memorial Hospital sa Olongapo City kada araw.

Ito ang inanunsyo ni Hospital Chief Dr. Jewel Manuel na kung saan simula ngayon ay labing-limang pasyente lamang ang tatanggapin.

Mula Lunes hanggang Byernes ang Telekonsulta sa pagamutan mula alas otso ng umaga hanggang alas tres ng hapon maliban na lamang tuwing Huwebes na mula lamang ala una ng hapon hanggang alas tres.

Kapag tumawag na sa hotlines na 0927-061-7419 at 0968-583-3790 ang magpapakonsulta ay kukunin ang numero nito at iba pang personal details.

Pagkatapos ay tatawagan ng doctor ang pasyente para sa kaniyang telekonsulta.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO

May be an image of 1 person and text that says 'Power Cells 6i in Salabat Herbal Mix Ginger Brew Ang sobrang pagod na kalamnan ay isang senyales na kinakailangan ng iyong katawan ng pahinga. Power Cells 6IN1 Salabat Brew wCells6IN1 Salabat .. 10gX25S SHOP NOW! Lazada Û.aa- www.powercells.ph'

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *