Isinalang sa random drug testing ang labing-anim na uniformed personnel ng 25th Special Action Company ng PNP SAF at dalawa mula sa Olongapo City Maritime Police Station.
Ito ay sa pangunguna Olongapo City Forensic Unit pasado alas dyes ng umaga nitong nakalipas na Lunes.
Ayon sa CFU, base sa resulta ay negatibo ang lahat ng tauhang isinailalim sa random drug testing.
Layon nitong matiyak na malinis sa ipinagbabawal na droga ang hanay ng mga otoridad.//Jen Bayot-BNFM OLONGAPO
Photo Courtesy: Olongapo CFU