16 new cases at 96 recoveries sa covid-19, naitala sa Bicol Region

BICOL – UMABOT lamang sa 16 na mga bagong bagong kaso ng covid-19 ang naitala ng Department of Health-Bicol, kahapon.

Paliwanag ng ahensya, ito ay dahil pagsasara ng karamihan saa mga laboratory kahapon upang bigyang daan ang disinfection kung kaya’t kakaunting specimens lamang umano ang nasuri at asahan umano ang posibleng pagtaas ng mga maitatalang kaso ng sakit sa mga susunod na araw.

Sa 16 na mga bagong kaso, ang lalawigan ng Camarines Sur pa rin ang nagtalang pinakaramaraming new covid cases sa 16 kung saan mag tig-dadalawa ang mga bayan ng Canaman, Magarao at Pili habang may tig-iisang mga bagong kaso ag Calabanga, Gainza, Libmanan, Minalabac, Pamplona, San Fernando, Tinambac at lungsod ng Naga.

Nagtala naman ng dalawang bagong kaso ang lalawigan ng Albay kung saan may tig-isa ang mga lungsod ng Tabaco at Legazpi.

Habang bigo namang makapagpadala ng kanilang mga specimens ang mga lalawigan ng Catanduanes, Camarines Norte, Masbate at Sorsogon.

Bunsod nito, pumalo na sa 57,504 ang cumulative cases ng covid-19 sa Bicol simula pa noong March 2020.

Samantala, nakapagtala rin ng 96 na mga bagong nakarekober sa sakit daan para umakyat sa 45,870 ang total recoveries habang wala namang nairehistro na bagong pagkasawi kung kaya’t sa kasaalukuyan, nakapako sa 2,044 ang total covid-19 death toll sa kabikulan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *