167,000 workers apektado sa 2-linggong lockdown sa Metro Manila

Hindi bababa sa 167,000 workers sa Metro Manila ang apektado ng dalawang linggo lockdown simula Agosto 6 hangang 20 ayon sa datus ng Department of Labor and Employment (DOLE).

Kabilang na dito ang 40,000 na manggagawang nanganganib na tuluyang mawalan ng trabaho habang ang 127,000 workers ay mababawasan ng kanilang kita.

Ayon sa Malakanyang sa ilalim ng enhanced community quarantine (ECQ), tanging mga essential industries lamang katulad ng mga ospital, food and drug manufacturers ang pinapayagang makapag-operate ng full capacity habang ang mga non-essential sectors katulad ng mga nasa leisure and entertainment walang trabaho sa loob ng dalawang linggo.

Una nang sinabi ng Palasyo na mananatiling gumagana ang public transportation kahit naka-ECQ ang Metro Manila.

Batay sa report ng DOLE aabot na sa 152,987 workers sa NCR ang na-lay off katumbas ng 21,800 workers na mga manggagawa ang natatanggal sa trabaho kada buwan.

Tinatayang nasa 127,300 workers naman sa Metro Manila ang isinailalim sa “flexible work arrangement” schemes, o katumabs ng 18,100 workers kada buwan ang nabawasan ng kanilang monthly income.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *