Minor na nahuli sa panibagong Anti-Drugs Operation sa Naga City konsideradong Children In Conflict With the Law

NAGA CITY – Konsideradong Children In Conflict With The Law ang isang diumano’y minor de edad na kabilang sa walong nahuli sa pinakabagong Anti-Drugs Operation sa Isla Sison sa Naga City kaya mananatili siya sa pangangalaga ng City Social Welfare and Development Office, subalit may kahaharapin pa rin siyang kaso.

Sa paliwanag sa Brigada News Fm Naga ni Eden San Andres, social worker ng CSWDO,sinabi niyang kung mapapatunayan na minor de edad nga ito, siya ay protektado ng batas, lilitisin siya sa Family Court at hindi ikukulong, kung susuwertihin baka mapalaya pa siya depende sa bigat ng kanyang kasalanan o involvement sa kaso.

Hindi naman anya direktang nasa kulungan ang isang minor nanasasangkot sa krimen  sa halip haharap siya sa mga proseso, ng rehabilitation program tulad ng ibang mga kabataang nalihis ng landas dahil sa paggamit ng illegal na druga. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *