Bulaeño, Top 4 sa 2024 Civil Engineering Licensure Examination

CAMARINES SUR- Muli na namang pinatunayan ng mga Bulaeño ang galing at talino sa kakatapos pa lamang na 2024 Civil Engineering Licensure Examination makaraang makuha ni Marvin Ballecer Abugao ang pagiging Top 4 sa nasabing eksaminasyon.

Kwento ni Marvin sa Brigada News FM Naga, hindi naging madali ang kanyang paglalakbay bago makamit ang tagumpay. Bukod sa hindi niya nakasabay ang mga kaklase sa pag-take ng exam dahil nagkaproblema ang kanyang pangalan sa birth certificate, kailangan niyang pagsabayin ang pagpapaayos ng nasabing problema at pagrereview. Aniya, mas masaya sana kung kasabay niya ang mga kaklase na itinuring niya na ring kaibigan. Gayunpaman, kahit na hindi niya nakasabay ang mga ito, matapang at positibo pa rin niyang hinarap at tinapos ang laban.

Noon pa man, ito na ang kursong nasa puso ni Marvin kaya ngayong lisensyado na siya, sinisiguro niya na hindi masasayang ang lahat ng sakripisyo’t pagod na kanyang naranasan. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *