Mababa o mataas na inflation rate mahalagang malaman ng isang mamamayan – PSA

CAMARINES SUR – Mahalagang nalalaman ng isang mamamayan ang mababa o mataas na inflation rate na may malaking impact sa ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Raul “Bong” Aspe, Supervising Statistical Specialist ng Philippine Statistics Authority ng Camarines Sur, importanteng nalalaman ng isang consumer ang mabilis na pagtaas sa mga presyo ng mga bilihin nang sa gayon ay maging tama lamang ang mabibili niya base sa kanyang sahod lalo na’t kumukunti ang commodities na nabibili kapag mataas ang presyo.

Kung saan ito ay dapat na masabayan ng mga tao at ng mga nasa business sector nang makabawi, dahil kung mataas na ang presyo ng bilihin pero mababa ang sahod o nakukuha hindi na pantay ang pangangailangan.

Ayon naman kay Keith Eduard Hidalgo, Bank Officer V, ng Bangko Sentral ng Pilipinas Naga, natututong mag-budget ang consumer, maging ang mga negosyo sa kanilang mga finances upang magkaroon ng balansyadong paggastos lalo na’t nakadepende sa demand at supply ang pagtaas ng inflation rate, na nasa 3.7% ang naitala sa Camarines Sur.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *