17, 994 active cases ng COVID-19 sa PH, 1, 483 bagong kaso ng sakit

Tumaas sa 17, 994 ang active cases ng COVID-19 sa buong bansa kahapon ayon sa datus ng Department of Health.

Mayroon naman naitalang 1, 483 na bagong impeksyon sa COVID-19. Ito ang ikalawang araw na sunod-sunod na mahigit 1,000 COVID-19 cases ang naitala.

Sa datus ng DOH, ang nationwide tally ay umakyat sa 4,045,358.

Ang National Capital Region ang nanatiling may pinakamaraming bilang ng mga kaso sa nakalipas na dalawang linggo na may 5,424.

Sinundan ito ng Calabarzon na may 2,153; Central Luzon na may 1,080; Western Visayas na may 880; at Cagayan Valley na may 779.

Ang recovery tally ay umabot sa 3,962,544 habang ang death toll ay umakyat  sa 64,820 na may 26 na bagong nasawi.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *