Initial fund sa panukalang Maharlika Fund , maaaring umabot sa 150 billion pesos

Maaari umanong umabot sa 150 billion pesos ang paunang pondo para sa panukalang Maharlika Wealth Fund ayon kay House approriations panel senior vice chairperson Stella Quimbo.

READ MORE:

Inanunsyo ni Quimbo ang halaga ng ballpark wala pang isang araw matapos magpasya ang mga may-akda na tanggalin ang  Government Service Insurance System  at Social Security System , ang state-run repository ng pension ng mga empleyado sa bansa bilang mandatory contributor sa MWF para maibsan ang pag-aalala ng mamamayan.

Nauna nang inihayag ni Quimbo na kung wala sa larawan ang GSIS at SSS, ang MWF ay popondohan ito ng mga bangkong pinapatakbo ng estado na LandBank of the Philippines ng halagang P50 bilyon, Development Bank of the Philippines  ng halagang P25 bilyon, at mga dibidendo o kita ng Bangko Sentral ng Pilipinas.

Kung aling halaga ang inaasahan,  malalaman ito sa pagdinig sa MWF bill sa harap ng House appropriations panel ngayong araw.

Sinabi pa ni  Quimbo na bukod sa GSIS at SSS, ang General Appropriations Act at ang National Treasury ay inalis na rin umano sa listahan ng mandatory contributors.

Iginiit ng mambabatas na ang pagbabago sa kanilang desisyon ay pagpapakita umano na ang Kongreso ay nakatuon sa pagtugon sa mga ipinaparating na concerns o usapin ng publiko sa panukalang MWF.//CA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *