17 panibagong kaso ng COVID-19, naitala ng DOH bicol noong nakalipas na linggo

LEGAZPI CITY – Kinumpirma ng Department of Health (DOH) Bicol na nakakapagtala pa rin ito ng mga panibagong kaso ng COVID-19 sa rehiyon sa kabila ng pagluwag ng mga restrictions at health protocols.

Katunayan nito, ayon sa DOH Bicol, labimpitong mga kaso ng nasabing sakit ang naidagdag sa rehiyon nito lamang nakalipas na linggo.

Batay sa datos ng ahensya simula Marso 19-25, sa naturang bilang, nakapagtala ng walong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur; sinundan ito ng Albay na may apat; tatlo sa Sorsogon; habang tig-iisa naman sa Masbate at Catanduanes.

Bunsod nito ay umabot na sa 578 ang bilang ng aktibong kaso ng sakit sa rehiyon, habang mahigit 66,000 na ang bilang ng mga nagpositibo simula pa noong taong 2020.

Maliban dito, nadagdagan naman ng 36 ang bilang ng mga bagong recoveries, kung kaya’t umabot na sa 63,039 ang bilang nito.

Samantala, tumaas ng 2,713 ang bilang ng mga nasawi matapos makapagtala ang DOH ng 14 na panibagong fatality sa Bicol.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *