19-anyos na drug personality, sumurender matapos na ma-Tokhang

SORSOGON CITY – Sa ilalim ng programa ng PNP na Oplan Tokhang, kusang sumurender ang isang 19-anyos na drug personality sa himpilan ng Sorsogon City PNP.

Si Joey (hindi tunay na pangalan), binata, construction worker at naninirahan sa Brgy San Roque, Bacon District ay kabilang sa Provincial Recalibrated Database on Illlegal Drugs at pangalawang target ng Coplan (case operational plan).

Minabuti ng Sorsogon City PNP na ‘katukan’ ito at pakiusapan na sumurender kaysa sa daanin sa anti-illegal drug operations.

Hindi naman nabigo ang mga awtoridad dahil matapos nila itong i-tokhang ay kusang dumulok ito sa kanilang himpilan, hapon noong Linggo, Marso 27.

Isasailalim si ‘Joey’ sa Drug Dependency Assessment (DDA).

Kung babalikan, ang Oplan Tokhang ay parte ng kampanya ng ating pangulo na proyektong kontra droga sa pangunguna ng dating PNP Chief Director Gen. Ronald ‘bato’ de la Rosa.

Ang tanging layunin nito ay hulihin ang mga sangkot sa iligal na droga.

Naging mabuting epekto din ng proyektong ito ay ang kusang pagsurender ng mga drug addict at drug pusher.

Naging malaking pakinabang ito sa mga local communities katulad ng mga barangay dahil sa mga sumurender ay nagkaroon sila ng iba pang impormasyon kung sino ang mga gumagamit at nagbebenta ng iligal na droga.

Isa ito sa mga paraan upang masugpo ang problema sa illegal drugs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *