19 na mga estudyante-patay matapos masunog ang tinutuluyang dormitoryo sa South America

PATAY ang 19 na mga kabataan matapos tupukin ng apoy ang kanilang tinitirahang dormitoryo sa Guyana, South America.

Batay sa ulat ng mga rumespondeng bumbero, natagpuan ang 14 na bangkay ng mga biktima na naka kumpol sa isang bahagi ng nasusunog na gusali habang ang limang iba pa  ay sa ospital na binawian ng buhay.

May ilan ring napaulat na nasugatan sa insidente na kasalukuyan pang nagpapagaling sa pagamutan.

Lumalabas sa paunang imbestigasyon na pawang mga teen-agers ang naninirahan sa naturang gusali na nag-aaral sa paaralang malapit dito.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon hinggil sa insidente.### JUMEL DELA ROSA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *