2 arestado dahil sa iligal na pangingisda sa Unisan, Quezon

Arestado ng mga kapulisan at miyembro ng Bantay Dagat ang dalawang lalaki dahil sa ilegal na pangingisda sa karagatang sakop ng Brgy. Maputat, Unisan, Quezon.

Kinilala ang mga suspek na sina Danilo Jumaoas, 51 anyos at Dennis Del Mundo, 31 anyos na huli sa aktong nangingisda ng walang kaukulang papeles gamit ang kapandra sa isinagawang seaborne patrol ng mga otoridad.

Nakumpiska sa mga suspek ang isang (1) bangka at compressor na kapandra.

Ang mga suspek at nakumpiskang mga gamit ay dinala sa Unisan Police Station at ni-refer sa lokal na ahensya ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ng bayan kung saan pinagmumulta sila sa paglabag sa isang ordinansang pambayan. | via Brian Zagala, BNFM Lucena

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *