2 katao malubha ang tinamong sugat sa naganap na Vehicular Accident sa bayan ng Parang

Isang Vehicular Accident ang naitala bago mag alas tres ng hapon kanina sa kahabaan ng National Highway ng Sitio Timbangan,Barangay Sarmiento Parang Maguindanao.

Ayon sa nakalap na impormasyon ng Brigada News Cotabato, sangkot sa nasabing aksidente ang isang motorsiklo at isang sasakyan.

Nakilala ang mga biktimang sakay ng motorsiklo sa kanilang mga pangalang Angelito Anselwa at Romeo Celis na kapwa mga residente ng Sarmiento, Parang Maguindanao.

Isa sa mga ito ang nagtamo ng malalang sugat sa ulo habang ang kasama nito ay kaliwat kanan rin ang natamong sugat sanhi upang sila ay dalhin sa pinakamalapit na pagamutan.

Hindi naman huminto ang sasakyang nakabangga sa mga biktima at sa halip di umano ay nagpaharurot ito ng takbo.Akma namang papadaan sa lugar si Doctor Kadil”jojo”Sinolinding Jr. kung saan naganap ang aksidente kaya agad nyang natulungan ang mga biktima.German Nhor

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *