2 LGU sa So.Cot, nakatanggap ng livelihood check mula sa DOLE 12

KORONADAL CITY- DALAWANG mga munisipyo sa lalawigan ng South Cotabato ang nakatanggap ng livelihood check mula sa Department of Labor and Employment o DOLE Region 12.

Ito ay sa ilalim ng DOLE Integrated Livelihood Program (DILP) o Kabuhayan Program.

Isa sa nakatanggap ng livelihood check ang local government unit (LGU) Tupi na nagkakahalaga ng P 490,401.

Makikinabang dito ang 34 na mga benepisyaryo.

Samantala, P 577,973 naman na halaga ng cheke ang natanggap ng LGU Norala para sa 46 na mga benepisyaryo.

Ang DILP ay isang flagship program ng DOLE na nagbibigay ng grant assistance para sa capacity-building kaugnay sa livelihood at entrepreneurial ventures ng mga vulnerable at marginalized workers.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *