2 rockfall events, naitala sa Bulkang Mayon kahapon

LEGAZPI CITY – Kumpirmadong may dalawang rockfall events na naman ang naitala sa bulkang Mayon kahapon, Marso 5 ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS).

Sa tala ng PHIVOLCS, hindi ito nakitaan ng crater glow o banaag dahil natatakpan ito ng ulap.

Dagdag pa rito, nagkaroon nag bulkan ng katamtamang pagsingaw na napadpad sa kanluran-timog-kanluran.

Patuloy naman ang pamamaga sa bunganga ng bulkan, kung kayaz mahigpit pa ring ipinagbabawal ng PHIVOLCS ang pagpunta sa permanent danger zone ng bulkan maging ang pagpapalipad ng anumang sasakyang panghimpapawid malapit sa may bukana nito upang maiwasan ang anumang panganib.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *