2025 polls – mauuwi sa mano-mano sakaling kanselahin ang kontrata sa Miru

Tiniyak ng Commission on Elections (Comelec) na masusunod pa rin nila ang kanilang schedule at mga paghahanda sa harap ng mga issue nito sa Smartmatic.

Ayon kay Comelec Chairman George Garcia, magmo-motion for reconsideration sila kasunod ng pagpanig ng Korte Suprema naturang kumpanya.

Kasabay aniya nito, tuloy lang daw ang tanggapan sa mga naka-schedule nilang aktibidad.

Hindi umano ang mga hihinto dahil ayaw nilang ma-delay, at makompormiso ang preparayasyon sa 2025.

Mababatid na sinabi ng Supreme Court na mali ang ginawang pag-disqualify ng ahensya sa Smartmatic paar sa bidding.

Samantala, binigyang-diin ni Garcia na hindi nakaaapekto sa integridad ng Comelec ang desisyon ng Korte.

Handa rin daw sila sa ano mang kaso, ‘o impeachment na maaaring ihain laban sa kanila.

Aniya, walang bahid ng ‘bad faith’ sa ginawa nilang pag-disqualify noon sa Smartmatic.

PETITION VS MIRU

Naghain ng petition for certiorari si dating Caloocan congressman Edgar Erice laban sa 18.8 bilyong pisong kontratang iginawad ng COMELEC sa Korean firm na Miru Systems na siyang mangangasiwa ng mga teknolohiya para sa 2025 local and national Elections.

Hiniling din nito sa korte ang pagpapalabas ng Temporary Restraining Order at Preliminary Injunction para ipawalang bisa ang naturang kontrata.

Paliwanag ng dating mambabatas, bagama’t suportado nito ang automated elections, mas mainam aniya na dapat ginamit ng COMELEC ang nabili nitong mga voting machine sa Smartnatic na umano’y gumagana pa.

Aniya, November 2022 nang idineklara ng COMELEC na gumagana pa ang higit siyam napung libong voting machine at may isang taong warranty rin ito pero wala pang isang taon nang idineklarang hindi na ito gumagana.

Giit ni Erice, dapat ipinagawa na lamang ang mga makina para mas makatipid pa ang bansa.

Mas kumpiyansa rin siya ngayon dahil nagkataon na naglabas ng desisyon ang supreme court na may “grave abuse of disecretion” ang pag-disqualify ng Comelec sa service provider na Smartmatic.

Nakatakda namang magsampa ng impeachment case si Erice laban kay COMELEC Chairman George Garcia kabilang ang ibang opisyal na pumirma ng nagsasabing hindi na gumagana ang mga makina na binili ng Pilipinas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *