21 dating rebelde sa South Cotabato, nakatanggap ng P1.9 million mula E-CLIP

KORONADAL CITY — NAKATANGGAP ng tseke na nagkakahalaga ng P1.97 million ang 21 mga dating rebelde mula sa provincial government ng South Cotabato.

Ang nasabing halaga ay ipinagkaloob sa mga dating rebelde bilang bahagi ng reintegration, livelihood assistance at firearms remuneration sa ilalim ng Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP.

Sa 21, tatlo sa mga ito ang nakatanggap ng tig-P174,000 bilang firearms remuneration; 16 ang nakatanggap ng tig-P86,000 para sa kanilang agarang reintegration at livelihood assistance at dalawa ang nakatanggap ng tig-P211 para sa immediate reintegration, livelihood at firearm remuneration.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *