24 na recoveries at 15 bagong kaso naitala sa lalawigan ng Camarines Norte kahapon

CAMARINES NORTE- Umakyat na sa  470 ang bilang ng mga nakarekober sa COVID-19 ang lalawigan ng Camarines Norte

Sa ulat ng DOH Bicol kahapon. Ito ay matapos na maitala ang 24 na pasyenteng gumaling na sa naturang sakit

Bukod dito, nakaagtala rin ang naturang kagawaran ng 15 bagong kaso ng sakit mula sa bayan ng Daet na may 7 bagong kaso, 4 ang nagmula sa bayan ng Basud, may tig-2 kaso ang mga bayan ng Mercedes at San Vicente

Sa ngayon pumalo na sa 781 ang kabuuang bilang ng naitatalang kaso ng COVID-19 sa lalawigan kung 279 ang aktibong kaso at nananatili naman sa 32 ang bilang ng nga nasawi sa sakit

Patuloy namang hinihikayat ng Provincial IMT ang lahat ng mga LGU’s na magpalabas ng mga Public Advisory ng mga kasalukuyang kaso ng COVID-19 sa kanilang bayan na makakatulong upang ang publiko ay makaiwas at makapag-ingat.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *