253 couples sa Albay na umabot sa golden anniversary, muling ikakasal

LEGAZPI CITY – Nakatakda isagawa bukas ang wedding ceremony para sa mga couples na umabot sa 50 taon pagsasama o golden anniversary sa lalawigan ng Albay.

Ito ang inihayag ni Bm Glenda Bongao, Chairman committe ng Women, Family and Children ng Sangguniang Panlalawigan ng Albay.

Ayon kay Bongao, nasa 253 na couples ang ikakasal bukas sa Albay Astrodome.

Bibigyan din ng cash incentives ang mga mag asawang na nagkakahalagang P10K.

Base sa record, pinakaraming couples na ikakasal ang bayan ng Daraga na umabot ng 54, lungsod ng Tabaco 37, Polangui 36, Tiwi 3, Malinao 12, Malilipot 11, Bacacay at Sto Domingo tigtatlo, lungsod ng Legazpi 5, Rapu Rapu at Manito tigsampu, Camalig 7, Guinobatan 14, Jovellar 1, Pioduran 13 , Ligao 18, Oas 17 at Libon 21.

Aniya, ito rin umano ang kauna unahang magsasagawa sa buong Pilipinas na magbibigay ng programa para sa 50 taon nagsasama.

Nilinaw din nito ang bayan ng Daraga na couples ay hindi sasabay sa aktibidad dahil sila ang pinakamaraming participants at ihihiwalay ito sa venue kung saan gaganapin ito sa Cagsawa.

Pinaalalahanan rin sa mga couples na kailangan sumunod sa ipinaututoad na minimum health standard kung saan kailangan magsuot ng facemask at faceshield.

Ang aktibidad ay kaugnay ito sa National Family week na pagpapasamamat kung saan ang temang ito ay Tungo sa Maginhawa matatag at panatag ng pamilyang Pilipino o My Forevers in Albay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *