3 deaths, 108 new cases, 105 recoveries sa COVID-19 naitala ngayong araw sa Bicol

BNFM BICOL—Pumalo na sa 9, 837 ang kabuuang kaso ng COVID-19 sa Bicol region matapos madagdagan ng 108 na panibagong kaso ngayong araw.

Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa mga ito ay mga close contact ng mga dating kaso ng sakit.

Nagtala ng pinakamataas na bagong kaso ang lalawigan ng Camarines Sur na mayroong 72 kung saan 27 nito ay mula sa Naga City, tig-anim ang bayan ng Calabanga at Camaligan, tig-aapat ang mga bayan ng Baao, Nabua at Tinambac, tatlo sa bayan ng Pili, tigdadalawa ang mga bayan ng Bula, Lagonoy, Magrao at Iriga at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Canaman, Goa, Minalabnac, San Fernando, at Sipocot.

Pangalawa sa may pinakamataas na bagong kaso ngayong araw ang Camarines Norte na may 15 kung saan anim nito ay mula sa bayan ng Daet, apat sa bayan ng Basud, tigdalawa ang bayan ng Capalonga at Labo at isa sa bayan ng Paracale.

Ang Albay ay may pitong bagong kaso kung saan tigdalawa ang lungsod ng Legazpi at Ligao at tig-iisa ang mga bayan ng Malinao, Pio Duran at lungsod ng Tabaco.

Anim na bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Masbate na may anim, dalawa nito ay mula sa lungsod ng Masbate at tig-iisa ang mga bayan ng Aroroy, Batuan, Palanas, at San Fernando.

Limang kaso naman ang naitala sa Sorsogon kung saan dalawa nito ay mula sa lungsod ng Sorsogon at tig-iisa ang mga bayan ng Bulusan, Casiguran at Juban.

Sa ngayon, nasa 2,827 (28.74%) ngayon ang aktibong kaso ng sakit, bahagya itong bumaba dahil sa mas mataas na bilang ng mga gumaling nitong nagdaang araw.

Habang tatlong bagong kaso ang nadagdag sa lalawigan ng Catanduanes kung saan dalawa nito ay mula sa bayan ng Virac at isa sa bayan ng Bato.

Apat na panibagong insidente ng pagkasawi naman ang nadagdag, dalawa sa Camarines Norte at dalawa sa Sorsogon. Dahil dito, sumampa na sa 344 (3.50%) ang total death toll ng sakit sa rehiyon.

Samantala, 105 na bagong recoveries naman ang nadagdag ngayong araw kung saan 61 nito ay mula sa Camarines Sur, 33 sa lungsod ng Legazpi at 11 sa Sorsogon. Bunsod nito, pumalo na sa 6,666 (67.76%) ang total COVID-19 recoveries sa Bicol.

Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang BIDA Solusyon sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

B-Bawal ang walang Mask; I-Isanitize ang mga kamay. Iwas-hawak sa mga bagay-bagay; D-Dumistansya ng isang metro at A-Alamin ang totoong impormasyon.###

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *