3 estudyante ng CBSUA wagi sa young farmer’s challenge Regional Level

CAMARINES SUR- Wagi ang tatlong estudyante ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA) Pili matapos na masungkit ang pagiging kampeon sa Young Farmer’s Challenge Regional Inter-Collegiate na programa ng Department of Agriculture.

Piliman Food Products;  Yan ang tawag sa grupo nila Francia Niña Jupakkal, Mark Felix Custodio at Dominador Tale III. Lumikha ang kanilang grupo ng sikat na pilinut pasalubong ngunit hindi tulad ng ordinaryong pilinut pasalubong na well-milled sugar ang gamit na pangpatamis, ang grupo ng Piliman Food Product, organic at lehitimong honeybee ang ginamit na pangpatamis na galing mismo sa pangangalaga ng kanilang paaralan. Sila rin ang magiging representate ng rehiyong Bicol para sa Young Farmer’s National Level.

Isinalaysay  naman sa Brigada News FM Naga ni Dr. Albert Naperi, CBSUA University President na isang daang porsyento ang kanilang suporta anumang oportunidad ang dumating sa kanilang unibersidad lalo na kung makakatulong ito sa pagpapalago sa mga kakayahan ng kanilang estudyante

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *