Enhanced guidelines sa Social Security Funeral Benefit Program sinimulan nang ipatupad ng SSS, maximum funeral benefit itinaas sa P60,000

CAMARINES NORTE – Sinimulan nang ipatupad ng Social Security System (SSS) ang bagong funeral benefit program na unang inanunisyo noong nakaraang buwan.

Sa panayam ng Brigada News FM kay SSS Daet Branch Head Ermina Maria Robredo nasa ilalim ng bagong guidelines ay itinaas na ang maximum amount ng funeral benefit para sa mga miyembro ng hanggang P60,000.

Sa bagong patakaran, ang mga kukuha ng benepisyo para sa pumanaw na miyembro na may 36 o higit pang monthly contributions ay makatatanggap ng mula P20,000 hanggang P60,000 na SS funeral benefits, depende sa bilang ng kontribusyon na naihulog at average monthly salary credit.

Fixed funeral benefit naman na P12, 000 ang matatanggap ng mga miyembro na nakapaghulog lang ng isa hanggang sa hindi aabot sa 36 monthly contributions sa panahon ng kaniyang pagpanaw.

Sabi ni Robredo mayroong sampunt taong prescriptive period ang aplikasyon ng funeral benefit magmula sa buwan nang pumanaw ang miyembro o pensioner.

Online ang pagsusumite ng aplikasyon ng SSS member-claimants ng funeral benefit sa pamamagitan ng www.sss.gov.ph

Ipinaliwanag din ni Robredo ang hierarchy of beneficiaries kung walang surviving spouse.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *